Huwebes, Nobyembre 19, 2015

Mama at Papa

Mahalaga sila para sakin, siyempre, lahat naman yata ng anak pinapahalagahan ang magulang nila. Alam ko kung gaano sila kaimortante, simula sa pagbibigay nila sa akin ng buhay, pagmamahal, pag-aalaga, at pag tatrabaho para sa mga pangangailangn ko at ng mga kapatid ko. Pero may mga oras na nararamdaman ko na parang hindi tulad ng pagpapahalaga ko sa kanila ang binabalik nila sa akin,. Kahit alam kong mali na isipin ang mga bagay na ito pero naroon parin ang mga oras na maiisip ko ito at mararamdaman. Gya na lang noong grade 5 ako, top 2 ako ng section 1, andami kong award ng araw na yon, bago ko umalis ng bahay pra pumunta sa school para sa awarding, binilinan ko si mama na sumunod siya sa akin para naman masabiyan niya ako ng medalya at mapakita sa mga kapwa niya magulang na magaling siya sa kanyang pagiging ina. Pero hanggang sa tinawag na ang aking pangalan, hindi parin siya dumating. naalala ko nga na tinanong ako noon ng principal kung nasan ang mga magulang ko, ang sabi ko wala po, at pagbaba ko ng stage bigla na lang akong umiyak dahil nakikita ko ang mga nanay ng ibang mga estudyante na masayang umaakyat sa entablado para sabitan ng medalya ang kanilang mga anak. Pag uwi ko pa noon sa bahay ay tuwang tuwa akong sabihin sa kanya na top 2 ako at nakuha ko ang award na best in english, at most dillegent, pero ang sinabi niya sakn, "top 2 ka lang? ". Hindi ko sinasabing masama ang maga magulang ko, mahal ko sila at napaka halaga nila sa akin, ewan ko ba, nakakinis din kasi minsan. Sa school, madalas hindi nila kinukha ang card ko, sakit nun ah. At minsan hindi manlang nila iniisip na baka pagod ako galing school at marami akong dapat tapusing gawain, sa bahay at paaralan, at dadagdagan pa nila, sasabihan ka pa na tamad at walang ginagawa, ang hirap kaya mag araal sa panahon ngayon.

 Hay nako sa inyo ma at pa, basta mahal ko kayo, tapos.

#stressfullparents

Linggo, Nobyembre 15, 2015

Sabado at Linggo nanaman !!!

Haaayyyyyy......... gaya ng dati, ganon nanaman ang sabado at linggo, gumising, kumain, naglinis, ng bahay, naglaba at kung ano ano pa, pero ang pinaka masaya sa sabado at linggong lumipas ay sa wakas, napaayos ko na ang phone ko na ako rin midmo ang sumira.

Ala una na ng pumunta kami ng papa at kapatid ko sa mall para ipaayos yung telepono ko, sa kabutihang palad ay nkahanap kami agad ng magaayos. Kinakabahan ako habang inaayos ang telepono ko. Nang matapos na, tinanong namin ang gumawa kung ayos na bang iuwi iyo, pero sabi niya hindi pa daw naayos ng mabuti kaya kelangang iwan at balikan bukas, kaya umuwi na kami at ginawa ang mga dapat gawin.

Kinabukasan araw ng linggo, nagsimba kami, pagkatapos ay umuwi at kumain, sandali akong naghugas ng pinggan at saka kami umalis ng papa ko para pumunta ng mall, at sa wakas ! Naayos na ! umuwi rin kami agad at yon, masaya naman, pero minsan, hindi na ta-touch yung screen at at maski pindutin ko pa yung lock screen button, ayaw padin mamatay ng screen kaya kelangan kong tanggalin a yung batery, buti na lang may 1 week warranty, haahahahahahahaha. ANSAYA. yun lang, salamat.

Lunes, Oktubre 5, 2015

Kalakasan ng mga Kababaihan

Ang pelikulang ito ay nagpapakita ng kalakasan at kakayahan ng mga kababaihan. Pinatunayan nila sa pelikulang ito na hindi lamang mga lalaki ang kayang sumabak sa mga digmaan na kung ihahambing natin sa totoong buhay ay kaya din ng mga kababaihan ang mga bagay na karaniwang mga kalalakihan lang  ang gumagawa.

Ang paborito kong guro

Marami akong natutunan sa kanya, bukod sa mga pang akademiko ay malaki rin ang naging impluwensya niya sa akin pagdating sa pagtuturo ng disiplina. Siya ay si Gng. Cabato. Naging guro ko siya ng ako ay nasa ika limang baitang pa lamang. Napakarami kong natututnan sa kamya dahil sa galing niyang magturo na hinahaluan pa niya ng pagpapatawa para maging masaya ang klase, bukod don, napakalaki din ng kanyang simpatya para sa kanyang mga estudyante. Naalala ko, uwian na noon, napaka lakas ng ulan at mahigit kalahating oras na akong naghuhuntay na tumil ito dahil sa  wala akong payong. Nabutan ako ni mam malapit sa gate na mag isa t inanong niya ako kung saan ako nakatira at tumawag siya ng trycicle at doon niya ako pinasakay, binayaran niya ang pamasahe at nakangiting sinabi na magiingat daw ako. Sobrang laki ng naitulong niyang iyon sa akin dahil dahil sa kanya ay hindi ako naabutan ng dilim sa daan. Nkakalungkot lang na ngayon ay sa probisya na siya ng tuturo at hindi ko na mabibisita ang taong nagsilbing nanay ko sa lob ng isang taon.

Bakit mahalagang pag aralan ang Sanaysay ?

Mahalaga ito upang lalo pa nating maunawaan ang mga sanaysay na ating binabasa at magkaroon ng magandang interpritasyon dito. Mhalag din ito sa pagkat dito ka makakakuha ng mga impormasyon na magagamit nati sa ating pang arw araw.

Linggo, Setyembre 27, 2015

Sabado at Linngo nanaman.

Nitong sabado lamang ay tangahli na akong gumising, kasi walakaming pasok, kaya dapat sulitin. Niligpit ko ang aking tulugan, naglinis ng sarili at kumain. Matapos kong kumain ay napagpasiyahan kong labhan ang aking kumot, HAHAHA, matagal tagal nadin kasi nung........ Klimutan mo na. Matapos akong maglaba ay gumawa na ako ng aking mga taldang aralin at sinikap na matapos ang lahat ng mga ito bago magtanghalian at nagawa ko naman. kumain na ako at naligo dahil pupunta ako sa paaralan dahil doon kami magkikita kita ng aking mga kamag aral para gawin ang isang proyekto. Matapos naming gawin iyon ay agad akong umuwi, nagpahinga saglit at nagluto na para sa hapunan. pagtapos  kong magluto ay agad akong kumain at ng matapos ay naligo ako. Nanuod ako ng TV at matapos ang PBB ay agad na akong natulog.

Linggo na ! Hindi muna ako nagsimba dahil sa maglalaba ako ng damit ko at ng mga nakababata kong kapatid, paggising ay agad akong nagdasal at humingi ng tawad Kay God dahilsa hindiako nagsimba, ngayon lang naman eh,pagbigyan na po. Nagligpit na ako ng aking tulugan, agad na kumain at nagsimula ng mag laba. Habang nasa washing machine ang mga damit ay maaga na akong nagluto ng tanghalian dahil nasa simbahan ang mama, papa,at mga kapatid ko. Dumating silagaling ng simbahan sakto sa oras ng tanghalian kaya agad kaming kumain. Alas dos na ng matapos akng maglaba, nagpahinga ako at sakanaligo. Matapos kong maligo ay inutusan ako na magluto ng pancake para sa miryenda na siya ko naman sinunod, kumain kami at nagpahinga. kinagabihan ay pumunta ako sa laundry para kunin ang mga pinalabhan doon ng ate ko. At ito na ang kasalukuyan, hindi paako kumakain, nakaupoako at nakaharap sa laptop habang nagta type nito, sana matapos ng masaya ang araw ng linggong ito.

Sang Ayon ako!!!

Kung ako ang tatanungin kung sang ayon ba ako s a karapatang tinatamasa ng mga kababaihan ngayon ay oo ang magiging sagot ko, bakit ? Dhil bukod sa nagigigng patas tayo ay aminin nating nakikinabang ang ating mga nanay at kaptid na babae. Nakikita ko na na eenjoy ng aking mama at aking ate ang ilan s amga bito kaya masaya ako at sumasangayon ak dito. Isa pang dahilan ay dahil natututo kaming mga kalalakihan na  hindi lang sa amin umiikot ang mudo.

 Nakakatuwang isipin na maraming batas at institusyon ang pumoprotekta sa kababaihan,at maraming benipisyo narin ang kanilang nakukuha. At ang pag kunsidera sa mga bagay na tanging kababaihan ang nakakaintidi.