Heto na........ Nagdaan nanaman ang araw ng SABADO, at kagaya ng mga normal na araw, nagsimula ito sa maagang paggising. Maaga akong gumising para magpunta ng school, magakaroon kasi kami ng huling ensayo para sa jingle making competition na aming sinalihan. Masaya at produktibo ang pageensayo. Hanggang sa dumating ang tamang oras para itanghal namin ang aming matagal na pinaghandaan dahil ang mismong araw ding iyon ang araw kung saan magaganap ang kompetisyon. Nagtangahal ang lahat ng mga kasali sa ibat ibang kategorya, hanggang sakami na ang magtangahal. kinakabahan kaming lahat noon. Nang dumating na ang tamang oras ng pagaanunsyo ng mananalo ay umiya na ang dalawa sa aking mga kagrupo dahil sa pagaakalang pangalawa o 2nd placer nanaman kami. Pero ng tawagin ang pangalan ng pangkat na nanalo ay napatalon kaming lahat sa tuwa, dahil sa wakas, matapos ang dalawang taon ay natalo rin namin ang pinaka magagaling sa nasabing kategorya. Nagkatuwaan at nag pakasaya kami ng kaunti matapos iyon. Umuwi kami ng masaya. Nang dumating ako sa bahay ay agad din akong natulog dahil sa sobrang pagod. Ang sabadong iyon ay isang karaniwan ngunit kakaibang araw, karaniwan dahil kagaya lamang iyon ng ibang nakakapagod na araw, Ngunit isa ito sa pinaka kakaiba ring araw, dahil sa pagkapanalo ng aming pangkat sa nasabing kompetisyon. KINAUMAGAHAAAAAAAANNNNN.
Linnnngggooooo naaaaaaa !!!!!!!!!! hahahaha. Kaarawan ko na pala. Kakaiba pero karaniwan ang araw na ito, kakaiba dahil kaarawan ko, pero sobrang karaniwan na malimutan itong muli ng pamilya ko, na taon taon at palagi namng nangyayari. Kung babalikan ko yung mga nakaraang taon, naalala lang nila noon ang kaarawan ko tatlo o apat na araw na ang nakalipas, minsan nga hindi na talaga, ang huling naaalala kong kaarwan kong naalala nila ay noong ika-pitong kaarawan ko na nagkaroon pa ng handaan. Pero ng mga sumunod na mga taon, wala na, ang kaarawan ko ay katulad na lang ng normal na araw. Nagsimba at gumawa lang ng gawaing bahay ang ginawa ko sa araw na ito, ang araw na dapat isang espesyal na bagay ang magaganap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento