Nitong sabado lamang ay tangahli na akong gumising, kasi walakaming pasok, kaya dapat sulitin. Niligpit ko ang aking tulugan, naglinis ng sarili at kumain. Matapos kong kumain ay napagpasiyahan kong labhan ang aking kumot, HAHAHA, matagal tagal nadin kasi nung........ Klimutan mo na. Matapos akong maglaba ay gumawa na ako ng aking mga taldang aralin at sinikap na matapos ang lahat ng mga ito bago magtanghalian at nagawa ko naman. kumain na ako at naligo dahil pupunta ako sa paaralan dahil doon kami magkikita kita ng aking mga kamag aral para gawin ang isang proyekto. Matapos naming gawin iyon ay agad akong umuwi, nagpahinga saglit at nagluto na para sa hapunan. pagtapos kong magluto ay agad akong kumain at ng matapos ay naligo ako. Nanuod ako ng TV at matapos ang PBB ay agad na akong natulog.
Linggo na ! Hindi muna ako nagsimba dahil sa maglalaba ako ng damit ko at ng mga nakababata kong kapatid, paggising ay agad akong nagdasal at humingi ng tawad Kay God dahilsa hindiako nagsimba, ngayon lang naman eh,pagbigyan na po. Nagligpit na ako ng aking tulugan, agad na kumain at nagsimula ng mag laba. Habang nasa washing machine ang mga damit ay maaga na akong nagluto ng tanghalian dahil nasa simbahan ang mama, papa,at mga kapatid ko. Dumating silagaling ng simbahan sakto sa oras ng tanghalian kaya agad kaming kumain. Alas dos na ng matapos akng maglaba, nagpahinga ako at sakanaligo. Matapos kong maligo ay inutusan ako na magluto ng pancake para sa miryenda na siya ko naman sinunod, kumain kami at nagpahinga. kinagabihan ay pumunta ako sa laundry para kunin ang mga pinalabhan doon ng ate ko. At ito na ang kasalukuyan, hindi paako kumakain, nakaupoako at nakaharap sa laptop habang nagta type nito, sana matapos ng masaya ang araw ng linggong ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento