Sabado, Enero 2, 2016

Christmas Wish list ko ???

Kung ikukumpara sa mga nagdaang kapaskuhan, itong kapaskuhang ito ang pinaka simple, bukod sa wala akong natanggap na regalo ay hindi namin kasama ang lolo ko, dahil hindi sila nakapunta noong noche buena. Oo maraming handa at may ilang mga bisita,
Kaya naging masaya padin ang gabi. Kung tatanungin ako sa kung ano ang gusto ko ngayong pasko, wala na kong mahihiling pa. Maayos at maganda ang takbo ng negosyo ng pamilya, maayos ang trabaho at sahod ng ate at kuya ko. Meron kami ng aming mga kailangan at maayos ang kalusugan ng pamilya ko. Gusto ko lang na nawa ay magpatuloy ang ganitong buhay namin, at kahit na may pagsubok pa ay mabilis din namig malagpasan sa tulong at gabay ni Lord.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento