Sabado, Enero 2, 2016

Noche Buena

Kung ikukumpara sa mga nagdaang pasko. Parang normal na araw lang ang pasko ngayong taon. Mas marami nga lang pagkain at may ilang mga bisita.

Alas kwatro pa lamang ng  ng hapon nagsimula na kaming magluto ni mama. Habang pinakukuluan ko  yung pasta ay niluluto ni mama ang sauce ng spagghetti. Nang matapos kami, nagihawna si mama ng karne ng baboy a gumawa naman ako ng fruit salad. Habang ginagawa ko iyon, dumating ang titi ko na dala ang cake na inorder namin sa bakeshop na pinagtatrabahuan niya. Sakto namang dumating si papa na dala ang mga prutas. Kinagabihan. Umuwi na ang ate ko na may dalang mga manok, at inihabol namin itong lutuin. Nang maluto, nagpahinga kami at saka kumain. Sandali silang nanood ng tv at natulog sila. Habang ako ay patuloy na nakikipagpag usap sa mga kaklase sa group chat ng section. Simple, pero masaya ang pasko namin ngayong taon. ☺

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento