Lunes, Oktubre 5, 2015
Kalakasan ng mga Kababaihan
Ang pelikulang ito ay nagpapakita ng kalakasan at kakayahan ng mga kababaihan. Pinatunayan nila sa pelikulang ito na hindi lamang mga lalaki ang kayang sumabak sa mga digmaan na kung ihahambing natin sa totoong buhay ay kaya din ng mga kababaihan ang mga bagay na karaniwang mga kalalakihan lang ang gumagawa.
Ang paborito kong guro
Marami akong natutunan sa kanya, bukod sa mga pang akademiko ay malaki rin ang naging impluwensya niya sa akin pagdating sa pagtuturo ng disiplina. Siya ay si Gng. Cabato. Naging guro ko siya ng ako ay nasa ika limang baitang pa lamang. Napakarami kong natututnan sa kamya dahil sa galing niyang magturo na hinahaluan pa niya ng pagpapatawa para maging masaya ang klase, bukod don, napakalaki din ng kanyang simpatya para sa kanyang mga estudyante. Naalala ko, uwian na noon, napaka lakas ng ulan at mahigit kalahating oras na akong naghuhuntay na tumil ito dahil sa wala akong payong. Nabutan ako ni mam malapit sa gate na mag isa t inanong niya ako kung saan ako nakatira at tumawag siya ng trycicle at doon niya ako pinasakay, binayaran niya ang pamasahe at nakangiting sinabi na magiingat daw ako. Sobrang laki ng naitulong niyang iyon sa akin dahil dahil sa kanya ay hindi ako naabutan ng dilim sa daan. Nkakalungkot lang na ngayon ay sa probisya na siya ng tuturo at hindi ko na mabibisita ang taong nagsilbing nanay ko sa lob ng isang taon.
Bakit mahalagang pag aralan ang Sanaysay ?
Mahalaga ito upang lalo pa nating maunawaan ang mga sanaysay na ating binabasa at magkaroon ng magandang interpritasyon dito. Mhalag din ito sa pagkat dito ka makakakuha ng mga impormasyon na magagamit nati sa ating pang arw araw.
Linggo, Setyembre 27, 2015
Sabado at Linngo nanaman.
Nitong sabado lamang ay tangahli na akong gumising, kasi walakaming pasok, kaya dapat sulitin. Niligpit ko ang aking tulugan, naglinis ng sarili at kumain. Matapos kong kumain ay napagpasiyahan kong labhan ang aking kumot, HAHAHA, matagal tagal nadin kasi nung........ Klimutan mo na. Matapos akong maglaba ay gumawa na ako ng aking mga taldang aralin at sinikap na matapos ang lahat ng mga ito bago magtanghalian at nagawa ko naman. kumain na ako at naligo dahil pupunta ako sa paaralan dahil doon kami magkikita kita ng aking mga kamag aral para gawin ang isang proyekto. Matapos naming gawin iyon ay agad akong umuwi, nagpahinga saglit at nagluto na para sa hapunan. pagtapos kong magluto ay agad akong kumain at ng matapos ay naligo ako. Nanuod ako ng TV at matapos ang PBB ay agad na akong natulog.
Linggo na ! Hindi muna ako nagsimba dahil sa maglalaba ako ng damit ko at ng mga nakababata kong kapatid, paggising ay agad akong nagdasal at humingi ng tawad Kay God dahilsa hindiako nagsimba, ngayon lang naman eh,pagbigyan na po. Nagligpit na ako ng aking tulugan, agad na kumain at nagsimula ng mag laba. Habang nasa washing machine ang mga damit ay maaga na akong nagluto ng tanghalian dahil nasa simbahan ang mama, papa,at mga kapatid ko. Dumating silagaling ng simbahan sakto sa oras ng tanghalian kaya agad kaming kumain. Alas dos na ng matapos akng maglaba, nagpahinga ako at sakanaligo. Matapos kong maligo ay inutusan ako na magluto ng pancake para sa miryenda na siya ko naman sinunod, kumain kami at nagpahinga. kinagabihan ay pumunta ako sa laundry para kunin ang mga pinalabhan doon ng ate ko. At ito na ang kasalukuyan, hindi paako kumakain, nakaupoako at nakaharap sa laptop habang nagta type nito, sana matapos ng masaya ang araw ng linggong ito.

Sang Ayon ako!!!
Kung ako ang tatanungin kung sang ayon ba ako s a karapatang tinatamasa ng mga kababaihan ngayon ay oo ang magiging sagot ko, bakit ? Dhil bukod sa nagigigng patas tayo ay aminin nating nakikinabang ang ating mga nanay at kaptid na babae. Nakikita ko na na eenjoy ng aking mama at aking ate ang ilan s amga bito kaya masaya ako at sumasangayon ak dito. Isa pang dahilan ay dahil natututo kaming mga kalalakihan na hindi lang sa amin umiikot ang mudo.
Nakakatuwang isipin na maraming batas at institusyon ang pumoprotekta sa kababaihan,at maraming benipisyo narin ang kanilang nakukuha. At ang pag kunsidera sa mga bagay na tanging kababaihan ang nakakaintidi.

Linggo, Setyembre 20, 2015
Animal cruelty
Nakakaawa talaga ang mga hayop na dumaranas ng pagmamalupit. Nakakalungkot na isiping may mga taong nasisikmurang gawin ito sa mga hayop. Brutal na pagpatay, pag torture at pangaabuso ang dinaranas ng walang kamalay malay na mga kakawang hayop. Ayon sa bibliya at sa kautusan ng Diyos ay dapat ianaalagaan at pinoprotektahan ng mga tao ang mga hayop ? Pero bakit kabaliktaran ang nangyayari? Hindi manlang ba nila naisip ang nararamdaman ng mga inanabuso nila ? na kung sila kaya ang nasa kalagayan ng mga ito ay ano kaya ang mararamdaman nila. Sana lang isaalang alang ng mga taong ito at maski na tayo ang damdamin ng mga hayop, dahil sa ayaw at sa gusto natin ay kailangan natin sila upang tayo ay mabuhay. At magkahati tayo sa ating mundong ginagalawan, kaya kailangan nating pakisamahan ang isat isa.
Sabado at Linggo
Ito ang araw ng sabado, maaga akong gumising para maghanda na pumunta sa paaralan. Bakit ? dahil nong araw ng sabado ay ginanap ang First Aid Training na aking nilahukan. Naligo ako, kumain, naghanda ng babaunin kong pagkain at saka umalis ng bahay. Pgdating ko sa paaralan ay naabutan ko ang maga kaklase ko na nakikipag kuwentuhan sa aming guro sa mapeh, kaya naman umupo ako kasama nila at sumali samasayang kuwetuhan habang hinihintay ang mga guest speaker na magtuturo sa amin.Pagdating ng mga tagapagturo ay agadkaming nagsimula.sumapit ang katanghalian kaya naman nag break muna kami upang magtanghalian, matapos ang isan oras ay agad kaming bumalik sa silid at nagpatuloy sa aming gawain. Kinahapunan ay natapos na rin kami sa unang araw at babalik kami kinabukasan para sa ikalawang araw ng pagsasanay.
Araw ng Linggo ay maaga nanaman akong gumising, naghanda, at pumuntang muli sa paaralan. Pag pasok namin ng silid ay nagsisismula na pala ang iba. Agad kaming umupo at nakinig, at nagpatuloy naman sa pagtuturo ang mga instructor. Tanghali nanaman at nagtangahalian kaming lahat.Mtaposang tangahalian ay nagpatuloy sa pagtuturo. Matapos iyon ay nagkaroon ng maikling pagsusulit para sa aming mga natutunan. Mtapos ang pagsusulit ay Nagkaroon kami ng practical test upang malaman kungkaya naming gawin ng aktwal ang aming amga natutunan. Mtapos ang lahat ng iyon ay natapos na ag ikalawang araw ng pagsasanay, babalikkami sa oktubre 3 para sa hulingyugto nito.

Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)