Jiev Mercado
Linggo, Enero 24, 2016
Normal na araw
Abado at linggo ? yun at yun parin naman ang ginawa ko, gumising, kumain, naglinis ng bahay gumawa ng mga itinakdang gawain at iba pang mga daapat gawin pantahanan mabn pampaaralan. Maasaya naman, nakakpagod pero kaya yan. Ngayon nga pala ko gagawa ng plate ko sa drafting class, haaaayyyyy, magpupuyat nanaman ako sa paggawa nun. Sige mauna na ko, gagawin ko na. Sa susunod ulit.
Linggo, Enero 17, 2016
Karaniwang Kakaiba at kakaibang karaniwan
Heto na........ Nagdaan nanaman ang araw ng SABADO, at kagaya ng mga normal na araw, nagsimula ito sa maagang paggising. Maaga akong gumising para magpunta ng school, magakaroon kasi kami ng huling ensayo para sa jingle making competition na aming sinalihan. Masaya at produktibo ang pageensayo. Hanggang sa dumating ang tamang oras para itanghal namin ang aming matagal na pinaghandaan dahil ang mismong araw ding iyon ang araw kung saan magaganap ang kompetisyon. Nagtangahal ang lahat ng mga kasali sa ibat ibang kategorya, hanggang sakami na ang magtangahal. kinakabahan kaming lahat noon. Nang dumating na ang tamang oras ng pagaanunsyo ng mananalo ay umiya na ang dalawa sa aking mga kagrupo dahil sa pagaakalang pangalawa o 2nd placer nanaman kami. Pero ng tawagin ang pangalan ng pangkat na nanalo ay napatalon kaming lahat sa tuwa, dahil sa wakas, matapos ang dalawang taon ay natalo rin namin ang pinaka magagaling sa nasabing kategorya. Nagkatuwaan at nag pakasaya kami ng kaunti matapos iyon. Umuwi kami ng masaya. Nang dumating ako sa bahay ay agad din akong natulog dahil sa sobrang pagod. Ang sabadong iyon ay isang karaniwan ngunit kakaibang araw, karaniwan dahil kagaya lamang iyon ng ibang nakakapagod na araw, Ngunit isa ito sa pinaka kakaiba ring araw, dahil sa pagkapanalo ng aming pangkat sa nasabing kompetisyon. KINAUMAGAHAAAAAAAANNNNN.
Linnnngggooooo naaaaaaa !!!!!!!!!! hahahaha. Kaarawan ko na pala. Kakaiba pero karaniwan ang araw na ito, kakaiba dahil kaarawan ko, pero sobrang karaniwan na malimutan itong muli ng pamilya ko, na taon taon at palagi namng nangyayari. Kung babalikan ko yung mga nakaraang taon, naalala lang nila noon ang kaarawan ko tatlo o apat na araw na ang nakalipas, minsan nga hindi na talaga, ang huling naaalala kong kaarwan kong naalala nila ay noong ika-pitong kaarawan ko na nagkaroon pa ng handaan. Pero ng mga sumunod na mga taon, wala na, ang kaarawan ko ay katulad na lang ng normal na araw. Nagsimba at gumawa lang ng gawaing bahay ang ginawa ko sa araw na ito, ang araw na dapat isang espesyal na bagay ang magaganap.

Pagsasabuhay
Mga Katanungan
1. Bilang isang kabataan, paano mapahahalagahan ang mga kadakilaan at mga nagawa ni Rizal para sa ating bansa ?
2. Paano mapahahalagahan ang o magagamit sa kasalukuyang panahon ang mga aral at prinsipyong isinatiktik ni Rizal sa nobelang ito ?
Mga Kasagutan
1. Bilang isang kabataan, mapapahalagahan ko ang mga nagawa ni Rizal sa pamamagitan ng pagtupad sa kanyang sinabi na "Kaming mga Kabataan ang pag-asa ng bayan" kahit na sa pinaka simplengparaan lamang na aking makakayanan, gaya ng pag-aaral ng mabuti, pagsunod at pagrespeto sa batas, magulang, at kalikasan.
2. Sa pamamagitan ng pagsasabuhay o ng mga ito, hindi man mapantayan ay kahit na subukang gawin ang mga ito.

Sabado, Enero 2, 2016
Noche Buena
Kung ikukumpara sa mga nagdaang pasko. Parang normal na araw lang ang pasko ngayong taon. Mas marami nga lang pagkain at may ilang mga bisita.
Alas kwatro pa lamang ng ng hapon nagsimula na kaming magluto ni mama. Habang pinakukuluan ko yung pasta ay niluluto ni mama ang sauce ng spagghetti. Nang matapos kami, nagihawna si mama ng karne ng baboy a gumawa naman ako ng fruit salad. Habang ginagawa ko iyon, dumating ang titi ko na dala ang cake na inorder namin sa bakeshop na pinagtatrabahuan niya. Sakto namang dumating si papa na dala ang mga prutas. Kinagabihan. Umuwi na ang ate ko na may dalang mga manok, at inihabol namin itong lutuin. Nang maluto, nagpahinga kami at saka kumain. Sandali silang nanood ng tv at natulog sila. Habang ako ay patuloy na nakikipagpag usap sa mga kaklase sa group chat ng section. Simple, pero masaya ang pasko namin ngayong taon. ☺

Christmas Wish list ko ???
Kung ikukumpara sa mga nagdaang kapaskuhan, itong kapaskuhang ito ang pinaka simple, bukod sa wala akong natanggap na regalo ay hindi namin kasama ang lolo ko, dahil hindi sila nakapunta noong noche buena. Oo maraming handa at may ilang mga bisita,
Kaya naging masaya padin ang gabi. Kung tatanungin ako sa kung ano ang gusto ko ngayong pasko, wala na kong mahihiling pa. Maayos at maganda ang takbo ng negosyo ng pamilya, maayos ang trabaho at sahod ng ate at kuya ko. Meron kami ng aming mga kailangan at maayos ang kalusugan ng pamilya ko. Gusto ko lang na nawa ay magpatuloy ang ganitong buhay namin, at kahit na may pagsubok pa ay mabilis din namig malagpasan sa tulong at gabay ni Lord.

Linggo, Disyembre 6, 2015
Nag-iisip at nagwawaksi
Mahirap maging isang leader ng grupo. Hindi ko alam nga minsan kung tama ba na ako ang nangunguna sa kanila eh ganong parang ayaw naman nila at sinasabi nila na parang BIDA-BIDA ako masyado ngayong sila naman ang may gusto na gawin ko ang mga bagay sa aming grupo ng mag isa. Nakakainis lang isipin na matapos ng lahat ng sakripisyo at ginawa mo para sa grupo mo na halos lahat ng subject ay ikaw ang leader ay hindi pala nila gusto na ako ang nagrerepresenta sa kanila. Sana manlang kasi nagsabi sila diba ? Hindi yung sasabihin nila ngayon kng kelan huli na ang lahat.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)