Mahalaga sila para sakin, siyempre, lahat naman yata ng anak pinapahalagahan ang magulang nila. Alam ko kung gaano sila kaimortante, simula sa pagbibigay nila sa akin ng buhay, pagmamahal, pag-aalaga, at pag tatrabaho para sa mga pangangailangn ko at ng mga kapatid ko. Pero may mga oras na nararamdaman ko na parang hindi tulad ng pagpapahalaga ko sa kanila ang binabalik nila sa akin,. Kahit alam kong mali na isipin ang mga bagay na ito pero naroon parin ang mga oras na maiisip ko ito at mararamdaman. Gya na lang noong grade 5 ako, top 2 ako ng section 1, andami kong award ng araw na yon, bago ko umalis ng bahay pra pumunta sa school para sa awarding, binilinan ko si mama na sumunod siya sa akin para naman masabiyan niya ako ng medalya at mapakita sa mga kapwa niya magulang na magaling siya sa kanyang pagiging ina. Pero hanggang sa tinawag na ang aking pangalan, hindi parin siya dumating. naalala ko nga na tinanong ako noon ng principal kung nasan ang mga magulang ko, ang sabi ko wala po, at pagbaba ko ng stage bigla na lang akong umiyak dahil nakikita ko ang mga nanay ng ibang mga estudyante na masayang umaakyat sa entablado para sabitan ng medalya ang kanilang mga anak. Pag uwi ko pa noon sa bahay ay tuwang tuwa akong sabihin sa kanya na top 2 ako at nakuha ko ang award na best in english, at most dillegent, pero ang sinabi niya sakn, "top 2 ka lang? ". Hindi ko sinasabing masama ang maga magulang ko, mahal ko sila at napaka halaga nila sa akin, ewan ko ba, nakakinis din kasi minsan. Sa school, madalas hindi nila kinukha ang card ko, sakit nun ah. At minsan hindi manlang nila iniisip na baka pagod ako galing school at marami akong dapat tapusing gawain, sa bahay at paaralan, at dadagdagan pa nila, sasabihan ka pa na tamad at walang ginagawa, ang hirap kaya mag araal sa panahon ngayon.
Hay nako sa inyo ma at pa, basta mahal ko kayo, tapos.
#stressfullparents
Ang tapang :D HAHA
TumugonBurahin