Linggo, Setyembre 27, 2015

Sabado at Linngo nanaman.

Nitong sabado lamang ay tangahli na akong gumising, kasi walakaming pasok, kaya dapat sulitin. Niligpit ko ang aking tulugan, naglinis ng sarili at kumain. Matapos kong kumain ay napagpasiyahan kong labhan ang aking kumot, HAHAHA, matagal tagal nadin kasi nung........ Klimutan mo na. Matapos akong maglaba ay gumawa na ako ng aking mga taldang aralin at sinikap na matapos ang lahat ng mga ito bago magtanghalian at nagawa ko naman. kumain na ako at naligo dahil pupunta ako sa paaralan dahil doon kami magkikita kita ng aking mga kamag aral para gawin ang isang proyekto. Matapos naming gawin iyon ay agad akong umuwi, nagpahinga saglit at nagluto na para sa hapunan. pagtapos  kong magluto ay agad akong kumain at ng matapos ay naligo ako. Nanuod ako ng TV at matapos ang PBB ay agad na akong natulog.

Linggo na ! Hindi muna ako nagsimba dahil sa maglalaba ako ng damit ko at ng mga nakababata kong kapatid, paggising ay agad akong nagdasal at humingi ng tawad Kay God dahilsa hindiako nagsimba, ngayon lang naman eh,pagbigyan na po. Nagligpit na ako ng aking tulugan, agad na kumain at nagsimula ng mag laba. Habang nasa washing machine ang mga damit ay maaga na akong nagluto ng tanghalian dahil nasa simbahan ang mama, papa,at mga kapatid ko. Dumating silagaling ng simbahan sakto sa oras ng tanghalian kaya agad kaming kumain. Alas dos na ng matapos akng maglaba, nagpahinga ako at sakanaligo. Matapos kong maligo ay inutusan ako na magluto ng pancake para sa miryenda na siya ko naman sinunod, kumain kami at nagpahinga. kinagabihan ay pumunta ako sa laundry para kunin ang mga pinalabhan doon ng ate ko. At ito na ang kasalukuyan, hindi paako kumakain, nakaupoako at nakaharap sa laptop habang nagta type nito, sana matapos ng masaya ang araw ng linggong ito.

Sang Ayon ako!!!

Kung ako ang tatanungin kung sang ayon ba ako s a karapatang tinatamasa ng mga kababaihan ngayon ay oo ang magiging sagot ko, bakit ? Dhil bukod sa nagigigng patas tayo ay aminin nating nakikinabang ang ating mga nanay at kaptid na babae. Nakikita ko na na eenjoy ng aking mama at aking ate ang ilan s amga bito kaya masaya ako at sumasangayon ak dito. Isa pang dahilan ay dahil natututo kaming mga kalalakihan na  hindi lang sa amin umiikot ang mudo.

 Nakakatuwang isipin na maraming batas at institusyon ang pumoprotekta sa kababaihan,at maraming benipisyo narin ang kanilang nakukuha. At ang pag kunsidera sa mga bagay na tanging kababaihan ang nakakaintidi.

Linggo, Setyembre 20, 2015

Animal cruelty

Nakakaawa talaga ang mga hayop na dumaranas ng pagmamalupit. Nakakalungkot na isiping may mga taong nasisikmurang gawin ito sa mga hayop. Brutal na pagpatay, pag torture at pangaabuso ang dinaranas ng walang kamalay malay na mga kakawang hayop. Ayon sa bibliya at sa kautusan ng Diyos ay dapat ianaalagaan at pinoprotektahan ng mga tao ang mga hayop ? Pero bakit kabaliktaran ang nangyayari? Hindi manlang ba nila naisip ang nararamdaman ng mga inanabuso nila ? na kung sila kaya ang nasa kalagayan ng mga ito ay ano kaya ang mararamdaman nila. Sana lang isaalang alang ng mga taong ito at maski na tayo ang damdamin ng mga hayop, dahil sa ayaw at sa gusto natin ay kailangan natin sila upang tayo ay mabuhay. At magkahati tayo sa ating mundong ginagalawan, kaya kailangan nating pakisamahan ang isat isa.

Sabado at Linggo

                 Ito ang araw ng sabado, maaga akong gumising para maghanda na pumunta sa paaralan. Bakit ? dahil nong araw ng sabado ay ginanap ang First Aid Training na aking nilahukan. Naligo ako, kumain, naghanda ng babaunin kong pagkain at saka umalis ng bahay. Pgdating ko sa paaralan ay naabutan ko ang maga kaklase ko na nakikipag kuwentuhan sa aming guro sa mapeh, kaya naman umupo ako kasama nila at sumali samasayang kuwetuhan habang hinihintay ang mga guest speaker na magtuturo sa amin.Pagdating ng mga tagapagturo ay agadkaming nagsimula.sumapit ang katanghalian kaya naman nag break muna kami upang magtanghalian, matapos ang isan oras ay agad kaming bumalik sa silid at nagpatuloy sa aming gawain. Kinahapunan ay natapos na rin kami sa unang araw at babalik kami kinabukasan para sa ikalawang araw ng pagsasanay.

                 Araw ng Linggo ay maaga nanaman akong gumising, naghanda, at pumuntang muli sa paaralan. Pag pasok namin ng silid ay nagsisismula na pala ang iba. Agad kaming umupo at nakinig, at nagpatuloy naman sa pagtuturo ang mga instructor. Tanghali nanaman at nagtangahalian kaming lahat.Mtaposang tangahalian ay nagpatuloy sa pagtuturo. Matapos iyon ay nagkaroon ng maikling pagsusulit para sa aming mga natutunan. Mtapos ang pagsusulit ay Nagkaroon kami ng practical test upang malaman kungkaya naming gawin ng aktwal ang aming amga natutunan. Mtapos ang lahat ng iyon ay natapos na ag ikalawang araw ng pagsasanay, babalikkami sa oktubre 3 para sa hulingyugto nito.

Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Ber Months na !!! (feelings)

Pumaso nanaman ang Ber Months, napakabilis talaga ng panahon. Kakaiba ang nararamdaman ko sa pag pasok ng buwan ng setyembre. Napaka rami at halo halong emosyon ang aking nararamdaman. May saya, kaba, pagaalinlangan, takot, pagkasabik, galit, pagmamahal, pagaalala at napaka rami pang iba. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ba dapat pag malapit na ang kapaskuhan ay masaya ko ? Nung mga nakaraang taon maayos naman ang lahat, pero bakit ngayong taon ay kakaiba ? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Pakiramdam ko hindi na tama ang lahat. Gusto ong umiyak na tumawa na mapagisa na hindi ko maintindihan. Sana maging maayos ang lahat, at bumalik yung kagaya ng dati na maayos at payapa pa ang lahat.

Things to do when I get there

KOREA ? Pangarap ko ang makarating sa lugar na yan, bakit ? Kasi magaganda ang tanawin diyan, masasarap ang pagkain at marami pang iba. Kung makakarating ako sa Korea ay may listahan na ako ng gagawin. Una, lilibutin ko muna ang SEOUL, pupuntahan ko ang mga sikat na pasyalan at pinagmamalaki nilang mga atraksyon doon. Pngalawa, titikman ko ang mga pagkaing ibinibida nila. Pangatlo, pupunta ako sa CHEON JI YEON FALLS dahil isa rin ito sa kanolang pinagmamalaiking atraksyon. Pangapat ay pupunta ako sa JEJU ISLAND. At huli pupunta ako sa lugar na tahimik at payapa na kung saan pwede akong umiyak na walang nakakakita, sa lugar na kung saan malaya akong mailabas ang nararamdaman ko ng wlang panghuhuga ng iba.

Freedom of Expression

           Marami na tayong ibat-ibang pamammaraan ng kung paano natin ipapahayag ang ating nararamdaman pero ang bawat pamamaraan na ito ay may kaakibat na responsibilidad. Kailanagan nating maging maingat sa pagpapahayag ng ating saloobin, bakit ? Dahil hindi natin kontrolado ang pagiisip ng ibang tao. Maaaring para sa kanila ay hindi tayo nagiging makatwiran. Isa pang dahilan ay ang pagiingat na makasakit ng damdamin ng iba, dahil maaaring sa bawat salitang nakasulat sa status, caption at kung ano ano pa ay may mga taong naaapekyuhan nito oo malaya tayo na magpahayag ng ating saloobi pero dapat parin nating intindihi ang mga bagay bagay na kaakibat ng kalayaang ito dahil bawat karapatan ay may hangganan at limitasyon.