Huwebes, Agosto 20, 2015

Unang markahann: Ang pagtatapos



             Isang mahirap ngunit masaya nanaman ang markahang dumaan. Gaya ng dati at inaasahan, may mga pagsubok sa aming kakayahan, mga di pagkakaintindihan at mga nana lantang gawain sa sobrang dami, pero siyempre di padin mawawala ang saya dahi kasama mo sa pagharap sa mga problemang ito ang iyong mga kaibigan na laging naka suporta sa iyo.

            Sa darating na bagong markahan ay siguradong marami paring pagsubok. gagawin ko ang lahat kasama ang aking mga kaibigan para malampasan lahat ng mga ito at mapagsikapang tumaas pa lalo ang aming ga marka.

Lunes, Agosto 10, 2015

Maikling kwento




          Isa sa mga maikling kwento na tumatak sa akin ay ang Nemo: ang batang papel. Dahil ang kwentong ito ay tumatalakay sa mga pangarap, pangarap na walang kasiguraduhan. Itinuturo sa kwentong ito ang importansya ng tamang pangarap, mga layunin at mga bagay na dapat nating gawing prayoridad sa buhay.

Leadership Development Program



              Isang napaka sayang sabado at linggo nanaman ang lumipas. Naging masaya at makahulugan ang pagtatapos ng linggong ito, dahil sa marami kaming natutunan sa programa ng Red cross. Mas lalo pa itong naging kasiya siya dahil sa kasama ko ang aking mga matatalik na kaibigan. May mga sayawan, kantahan, mga laro at hindi rin nawala ang mga araling kapupulutan ng aral at kaalaman.

              Hindi ko rin malilimutan ang mga sandaling nakasakay kam sa TRUCK papunta at pauwi mula sa pnagdausan ng naturang prgrama, lalo na ung pagkakataong biglang nagpreno ang sinasakyan namin at napayakap sakin ang crush ko, at nakahawak lang siya sakin sa boung biyahe papunta, at sa pag uwi naman ay muntik na siyang matumba kaya naman nagpaalalay siya sa buong biyahe pauwi, nakatayo kasi kami sa truck kaya ganon. NAPAKA SA TALAGA

Martes, Agosto 4, 2015

Katangian Na Aking gusto Sa Mga Kaibigan




                  Ang Lhat sa atin ay may mga kaibigan, maaaring sila ay matalik na kaibigan o pangkaraniwang kaibigan lamang. Tayo ay may mga bagay na pinagbabasihan sa pagpili ng ating mga kaibigan. Ano ano ba ang mga hinahanap mo ? Ako, ito.

                 Importante para sa akin ang taong mapagkakatiwalaan, yunbang, mapagsasabihan mo ng mga pinaka tago tagong sekreto mo sa buhay. Isa pang katangian ay ang tapat at totoo, yun bang di a sissiraan kapag wala siya sa harap mo. At higit sa lahat, yung masarap kasama, yung hindi ka mababagot pag kasama mo siya.

                 Napaka simole lang naman ng mga gusto ko hindi ba ? Ikaw ? Ano ba ang mga katangiang nais mo ?

Ang Aking Paboritong Awitin



                                       Best Friend by; Jason Chen

           Ito ang aking naging paboritong awitin 'di lamang dahil sa ganda ng ritmo at daynamiko
kundi dahil sa napakagandang mensahe ng awitin. "Pagkahulog sa matalik mong kaibigan" yan ang paksa ng awiting ito, na minsan ko na ring naranasan kaya naman, itong awiting ito ang aking naging paborito.

                      Bagamat di pa napapanahon ay di naman nating maiiwsan ang paghanga sa iba. Ang awiting ito ay isang ispirasyon para sa akin.