Martes, Hulyo 28, 2015
Noon Nakaraang Sabado at Linggo
Noon nakaraang sabado ay maaga akong gumising, nagligpit ako ng aking pinag tulugan, naghilamos at kumain. Matapos ang mga ito, naghanda na ako para sa pagpunta ko sa paaralan dahil napagkasunduan ng aking mga kaklase na magsasagawa kami ng pagsasanay para sa aming presentasyon sa asignaturang mapeh. dumatin ako roon ng alas onse ng umaga ngunit dumating ang aking mga kagrupo ng alas dos ng hapon. Matapos ang pag eensayo ay umuwi na ako, kumain, nagpahinga at gumawa ng mga takdang aralin. Gabi na ng matapos ako sa aking mga gawain. Nagluto muna ako at kumain, nanuod ng telebisyon at natulog.
Kinabukasan, araw g linggo, hindi ako naka pagsimba dahil sa tinanghali ako ng gising. Pag bangon ko ay agad akong kumain, matapos ay naglaba naman ako, naglinis ng bahay at nagluto para sa aming tnghalian. Matapos magluto ay umain na ako, nagpahinga at natulog, malapit ng dumilim ng ako ay magising, naligo ako, nagluto, namalantsa at nanuod ng telebisyon, matapos iyon ay natulog na ako.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)